Ang Ama (Buod)

« Sa Bagong Paraiso Ang Kwintas »

Malupit na Ama

Mayroong isang ama na malupit sa kaniyang pamilya at mga anak. Mayroon ding bisyo ang ama at walang oras para arugain ang kaniyang mga anak.

Kapag uuwi ito sa kanilang bahay ay madalas itong nagdadabog lalo na kung wala siyang makakain. Lagi rin siyang naiinis sa ingay ng kaniyang mga maliliit pang anak. Madalas din niyang saktan ang kaniyang mga anak. Mabigat ang kamay ng ama sa mga kaawa-awang puslit.

Ang Pinakamalupit na Pananakit

Isang araw, umuwing mainit ang ulo ng ama. Nasisante pala siya sa kaniyang trabaho. Panay ang iyak ng sakiting si Mui Mui at hindi mapatigil ng kaniyang mga nakatatandang kapatid.

Dahil dito, nainis ang ama at sinapak ang anak na tumalsik naman sa kabilang silid. Nawalan ito ng malay ngunit nahimasmasan din matapos ang dalawang oras.

Ang Pagkamatay ng Anak

Matapos ang dalawang araw, binawian ng buhay ang musmos na si Mui Mui. Dahil sa nangyari, inuusig ng konsensiya ang ama. Madalas itong mag-inom at makitang humahagulhol. Isang araw, may nag-abuloy sa ama. Ibinili niya ito ng mga bagay na nakalagay sa isang supot.

Nagpunta ito sa puntod ng yumaong anak at dito ay lumuhod at umiyak. Iniaalay niya ang mga bagay na iyon sa kaniyang yumaong anak na hindi man lamang nakatikim ng aruga ng isang ama.


« Sa Bagong Paraiso (Buod) Ang Kwintas (Buod) »