Sa Bagong Paraiso (Buod)

« Ang Alaga Ang Ama »

Mayroong dalawang magkababata na labis na nagkaroon ng masayang pagkamusmos. Naging matalik na magkaibigan sina Ariel at Cleofe simula noong sila ay walong taong gulang lamang.

Madalas silang maglaro sa malawak na taniman at dalampasigan. Labis nilang nasulit ang kanilang pagkabata dahil lahat ng mga gawain ng isang bata ay nagawa nila sa kanilang munting paraiso.

Ngunit paglipas ng mga panahon, ang dating musmos na sina Ariel at Cleofe ay dumating na rin sa panahon na wala na ang pagiging inosente.

Nagbinata at nagdalaga na sila at maraming pagbabago ang dumaan sa kanila kabilang ang mga hitsura at kanilang takbo ng pag-iisip.

Ang mga magulang nila ay gumawa ng mga aksiyon upang mapigilan ang samahan ng dalawang alam nila ang patutunguhan.

Nag-aral sa lungsod si Cleofe upang mailayo kay Ariel ngunit gumawa pa rin ng paraan ang dalawa upang patuloy na magkita at maipadama ang nararamdaman para sa isa’t isa.

Napagpasiyahan ng dalawa na magkita sa isang lugar na hindi dapat sila makitang magkasama. Nagkaroon ng bagong paraiso ang dalawa na noon ay aliw na aliw sa kanilang munting paraiso.

Ngayon, ang init ng bisig ng isa ay ang nagsisilbing paraiso para sa kanila. At tulad ng pinangangambahan, nagkaroon ng bunga ang kanilang pagsuway.


« Ang Alaga (Buod) Ang Ama (Buod) »