Si Jingle
Si Jingle ay isang ibong binili ng isang bata dahil sa ganda ng kulay nito na kung ilalarawan ay kulay rias. Masaya siyang kasama at inilarawan ding nakakaaliw sa tuwina.
Subalit isang araw, ng makalaya ito at mapadmapd sa palaruan ay hinabol siya ng mga bata. Tumakbo ito sa abot ng makakaya subalit patuloy sa paghabol ang mga bata.
Dahil sa ingay ng halakhakan at pagkasabik na dulot ni Jungle lumayo ang bata sa palaruan upang sa gayon ay makaramdam ng kapayapaan.
Hindi Ilusyon
Nagtungo ang bata sa isang dako na kung saan siya lamang ang nag-iisang naroon. Nahiga at taimtim na pinagmasdan ang mga ulap sa kalangitan.
Ipinikit ang mga mata at payapang dinadama ang hangin na tila saliw at nanghihikayat sa kanya. Sa pagpikit, hinayaan niyang tangayin siya ng kanyang imahinasyon hanggang sa magising at mapagtanto ang reyalidad ng buhay.
Mula sa pagdama ng mga bagay na dulot ng ulap at hangin habang siya’y nasa gitna ng isang swimming pool hanggang sa magising ito at tila malunod dahil sa takbo ng kanyang isipan doon niya napagtanto na ang buhay niya ay tulad lang din ng sa ibong minsan niyang inalagaan. May mga hangganan at hindi kayang maabot ng kakayahan tulad na lamang ng pagtira sa mga katubigan.